TATLONG laro sa junior division ang ilalarga sa pagbubukas ng 15th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament sa Sabado sa St. Placid gymnasium ng San Beda College-Manila campus sa Mendiola.

Haharapin ng San Beda-Manila Red Cubs-A ang Rich Golden Montessori School Spartans ganap na 8 ng umaga, habang magtututos ang San Beda-B at Diliman Preparatory School sa 9:30 ng umaga.

Magkakasubukan ang Letran Squires at La Salle Greenhills Greenies sa 11 ng umaga.

Sinabi ni Commissioner Robert de la Rosa na dalawang senior division matches ang tampok na laro sa Linggo.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Magkakasubukan ang San Beda Red Lions at Ateneo Blue Eagles sa 8 ng umaga.

Magtutuos naman ang guest team San Juan at Diliman College sa 9:30 ng umaga.

Ang torneo ay binubuo ng mga koponan na may mga player na nasa developmental pool. Ginaganap ito taon-taon sa pagbubukas ng unang semester ng collegiate season.

Pinapayagan ding maglaro ang mga players na nasa Team B ng mga eskwelahan na kabilang sa ginaganap na collegiate league.