NI: Jun Fabon

Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Kamuning Police-Station 10 ang dalawa umanong carnapper na tumangay ng isang taxi sa Quezon City kahapon.

Kinilala ni Police Supt. Pedro T. Sanchez, hepe ng QCPD-PS10 ang mga naarestong suspek na sina Ronald Tugbo y Ramirez, 33, ng Bukidnon Street, Bagong Barrio, Caloocan City; at Lorelie Laret y Alisin, 42, ng Kasiglahan, Rodriguez, Rizal at kapwa naghihimas ng rehas sa Kamuning Police Station.

Sa imbestigasyon ng Anti-Carnapping Unit ng QCPD-PS10, namataan ang dalawang suspek sa Aberdeen Court sa Quezon Avenue, bandang 11:30 ng tanghali.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa biktimang si Romeo Villa, 63, pauwi na siya nang makita niya ang kanyang taxi na nakaparada sa Abardeen Court.

Agad niya itong ini-report sa awtoridad at inaresto ang mga suspek sa follow-up operation.