Ni DENNIS PRINCIPE

TIYAK na makakakuha ng mahigpit na hamon ang grand slam bid ng San Miguel Beermen sa kanila mismong sister teams.

Ayon kay San Miguel Corporation (SMC) sports director Alfrancis Chua, nakikita niya ang kakaibang motibasyon sa mga players ng Star Hotshots at Brgy. Ginebra, ang dalawa pang teams sa ilalim ng SMC umbrella na kapwa handa na hadlangan ang triple crown dream ng Beermen.

“Actually ginagamit kong motivation ‘yan sa dalawa pa naming teams Star at Ginebra na dapat maging pursigido sila na kunin ang Governors’ Cup,” pahayag ni Chua.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“At the same time, determined din ang ibang teams na kontrahin yung grand slam dream ng San Miguel.”

Tila naging madali naman para sa Beermen na kunin ang Philippine Cup at Commissioner’s Cup tournaments dahil na din sa pagdomina sa mga nakaribal na Ginebra Kings at TNT KaTRopa.

Ngunit, para kay Chua, dapat kalimutan ng Beermen ang mga nakaraang conferences at ituon ang kanilang pansin sa paparating na season-ending championship.

“Madaling sabihin ‘yan kung dalawa lang ang teams sa PBA. Pero 12 teams lahat kaya hindi talaga madali ang manalo ng championship,” pahayag ni Chua.

Posible naman na maging matinding pressure ang grand slam bid para sa import ng San Miguel na si Wendell McKines na minsan nang naglaro para sa Alaska at Rain or Shine sa huling dalawang seasons.

Ngunit, tiniyak ni McKines na walang pressure at malaking tulong ang halos dalawang buwan niyang pamamalagi sa bansa bago ang opening day sa Hulyo 19.

“I’m playing on the best team in the PBA and I play with a lot of heart and passion, so no pressure, just all opportunity,” ani McKines.