Ni: Light A. Nolasco

LICAB, Nueva Ecija - Isang overseas Filipino worker (OFW) at kapatid nitong empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang natangayan ng mahigit P100,000 cash at ari-arian makaraang sungkitin ng kanilang kapitbahay sa Barangay San Casimiro sa Licab, Nueva Ecija.

Sa ulat kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra, nakilala ang mga biktimang sina Celedonia delos Santos-Carino, 60, empleyado ng DPWH; at Geronima dela Cruz-Delos Santos, 53, OFW, kapwa residente sa nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 3:00 ng umaga nitong Linggo nang magising ang magkapatid sa ingay mula sa labas at nasilip nila mula sa bintana ang kapitbahay nilang si Don SJ Javier y Tibay, alyas “Itong”.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Hindi pinansin ng magkapatid ang kaguluhan at kinaumagahan na nila natuklasan na punit ang screen ng kanilang bintana at may nakita silang stick.

Kabilang sa mga natangay ang isang mamahaling shoulder bag na naglalaman ng cell phone, dalawang relo, apat na passbook sa bangko, apat na credit card, driver's license at mga ID, susi, at pera na aabot ang kabuuan sa P100,000.