NI: Mary Ann Santiago

Napilitang magpababa ng mga pasahero ang isa sa mga tren ng Light Rail Transit-Line 1 (LRT-1) nang magkaroon ng problema sa preno, kahapon ng umaga.

Sa abiso ng LRT-1, pinababa ang mga pasahero sa United Nations Avenue Station sa Ermita, Maynila matapos na makaamoy ng usok, pasado 10:00 ng umaga.

Nang busisiin, natukoy na problema sa preno ang dahilan ng aberya.

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero, inilipat ang mga ito sa ibang tren.

Eleksyon

Guanzon, tatakbong senador sa 2028!

Makalipas ang ilang minuto ay naibalik na sa normal ang biyahe ng LRT-1.