Ni Mary Ann Santiago

LALAHOK ang mga medalist ng Palarong Pambansa sa 9th Association of South East Asian Nations (ASEAN) Schools Games na idaraos sa Singapore sa Hulyo 13-21.

volleyball copy

Ayon sa Department of Education (DepEd), kabuuang 224 senior officials, coaches, team managers, secretariat at student-athletes, ang bubuo sa Philippine contingent na naghahangad na lagpasan ang ikaapat na puwestong tinapos sa nakalipas na season.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nabatid na bago ang kumpetisyon, sumailalim sa dalawang linggong pagsasanay ang mga student-athletes sa Philsports Arena at iba pang training center sa pangangasiwa ng Philippine Sports Commission (PSC).

Tiniyak naman ni Education Secretary Leonor Briones na suportado niya ang Philippine contingent, at ito na aniya ang pinakamalaking sports delegation na ipapadala ng DepEd sa labas ng bansa.

“This is a very honorable activity. You give glory to the country, to yourself and it is a very good profession itself. I hope we can attract more students to specialize in sports through the K to 12 Program,” pahayag ni Briones.

“Just promise your country, tayo ang dinadala ninyo. Hindi lamang ang paaralan niyo kung hindi pati bansa niyo. You will give your best and let God take care of the rest,” paghikayat naman ni Education Assistant Secretary Tonisito Umali sa mga student-athletes.