LOS ANGELES (AP) — Tulad nang inaasahan, yabangan at patutsadahan ang bumalot sa unang paghaharap nina boxing undefeated champion Floyd Mayweather Jr. at mixed martial arts superstar Conor McGregor.

mayweather-mcgregor (38) copy

Nagpalitan nang maanghang na pananalita ang magkabilang kampo sa media conference nitong Martes (Miyerkules sa Manila) sa harap ng may 11,000 tagahanga sa Hollywood.

Ang media tour ang una sa apat na city promotional tour para sa duwelo ng dalawang kontrobersyal na fighter mula sa magkahiwalay na disiplina na nakatakda sa Agosto 26 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ginawang katatawanan ni McGregor, ang undisputed star ng UFC, ang kinasasangkutang kontrobersya ni Mayweather sa IRS.

Iginiit niyang mapapatulog niya ang walang talong kampeon sa ikaapat na round.

“He is f***ed,” pahayag ni McGregor. “There’s no other way about it. His little legs, his little core, his little head. I’m gonna knock him out inside four rounds – mark my words,” aniya.

“As far as the fight, he will be unconscious inside four rounds. The movement, the power, the ferociousness – he has not experienced this. He has fought people who have shied away from him. I don’t fear him. I don’t fear this limited set of fighting. This is a limited set of rules that makes this half a fight, a quarter of a fight. This isn’t a true fight. If this was a true fight, it wouldn’t even take one round.”

Muling nagbalik aksiyon ang pambato ng Las Vegas na si Mayweather (49-0, 26 KOs) mula sa pagreretiro para harapin ang Irish showman na may 21-3 karta sa UFC tampok ang 18 knockout. Hindi pa natatalo si Mayweather mula noong 1996 Summer Olympics sa Atlanta.