Ni: Leandro Alborote

GERONA, Tarlac - Isang hand grenade ang iniwang nakasalaksak sa punong kawayan sa Barangay Tangcaran sa Gerona, Tarlac.

Ayon kay Rogelio Rirao, 63, magsasaka, pauwi siya nitong Sabado nang makita ang granada na nakasalaksak sa puno ng kawayan malapit sa kanyang bukirin.

Sinabi naman ni SPO1 Armin Alimboyogen na kinakalawang na ang granada at nawawala ang safety lever nito, kaya kaagad na pinasabog ng grupo ni SPO1 Jonathan Aspurias ng Explosive and Ordinance Division.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog