Ni: Leandro Alborote

TARLAC CITY - Isang fetus ang natagpuan sa garbage disposal area ng Kart City sa Barangay San Roque, Tarlac City, kahapon ng umaga.

Dakong 6:50 ng umaga nang matagpuan ang fetus, at kaagad na ini-report sa Police Community Precinct-8 ni Jeric Miguel, 23, security guard sa Kart City.

Ayon kay SPO1 Ranee Navarro, isinilid ang fetus sa itim na plastic garbage bag at nadiskubre ni Ricky Andres, garbage collector ng Metro Waste Tarlac.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Nakalagak ngayon ang fetus sa Ilagan Funeral Homes sa Bgy. San Nicolas, Tarlac City.