Ni NORA CALDERON

MAG-AMA nga sina Edu Manzano at Luis Manzano, at pareho silang napakahusay mag-host. Hindi na mabilang ang natanggap nilang awards bilang hosts ng shows, kaya kataka-taka na ngayon lamang sila pinagkasama para mag-host ng isang show, sa The Eddys: Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Sina Edu at Luis ang inimbitang mag-host ng The Eddys na ginanap sa Kia Theatre nitong nakaraang Linggo.

EDU AT LUIS

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

True enough, hindi nawala ang kulitan ng mag-ama. Biling-bili ng audience ang antics nila, lalo na kapag kumakanta si Luis ‘tapos biglang hihinto, dahil hanggang doon lang daw ang kaya niya. 

Si Edu, never nag-attempt na kumanta kahit isang line.

Napaka-gentleman pa si Luis na ikinaaliw ng mga tao nang akalain na si Angel Locsin ang aakyat ng stage at sasalubungin niya nang tawaging winner for Best Supporting Actress. 

But sad to say, hindi dumating si Angel. Pero tuwing may aakyat na female representative ng mga nanalo, sinasalubong sila ni Luis, para alalayang umakyat ng stage.

Nang mag-isa na lang na nagho-host si Luis, inakala ng mga katabi namin na iniwan na siya ni Edu, pero hindi pala, sinamahan kasi nito si Martin Nievera para maging presenter ng special awards.

Napakasaya ng awards-night dahil na-set nina Luis at Edu ang atmosphere na very playful. No dull moments, wika nga.

Nagkatotoo ang sinabi ni Isah Red, presidente ng editors group, tiyak ngang aabangan na taun-taon ang Eddys.

Congratulations sa bumubuo ng SPEEd. Maganda ang presentation ng first Eddys Award na tinampukan ng maraming stars.

Mapapanood ito sa Sunday’s Best ng Dos sa July 16.

[gallery ids="253774"]