ni Dianara T. Alegre

Bumili ang pamahalaang lungsod ng Mandaluyong ng mga bagong kagamitan bilang paghahanda sa panahon ng sakuna.

Naglaan ang lokal na pamahalaan ng P90 milyon para sa pagbili ng ilang hospital tent, isang search-and-rescue-truck na may kasamang boom, pick-up truck, isang nutrition van, isang rescue boat, mobile water purifying system, mga aparato upang makahinga, chainsaw, search-and-rescue tools, at public address system.

Pinangunahan ni Mayor Menchie Abalos ang blessing ng mga naturang kagamitan sa Maysilo Compound, kung saan dalawang tent ang itinayo. Ang bawat isang tent ay maaaring paglagyan ng 14 na higaan at ilang kagamitang medikal. Mayroon ding dalawang mobile air-conditioning unit na maaaring ikabit sa mga tent.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras