MAGTUTUOS ang Alaska at NLEX, dalawang koponan na nasibak sa playoff nang nakalipas na conference, sa opening day ng 2017 PBA Governors Cup sa Hulyo 19 sa Smart- Araneta Coliseum.

Ipaparada ng Aces, sumabit sa GlobalPort sa playoff berth ng Commissioner’s Cup , si import Ledontae Henton.

Haharapin naman ng KIA Picanto, dating Mahindra, ang Phoenix sa second game.

Mapapalaban naman ang Meralco, runner-up sa Ginebra sa nakalipas na season, kontra Blackwater sa July 21 habang magpapambuno ang GlobalPort at Rain or Shine.

Marcio Lassiter PBA record holder na; Beermen itinumba ang Ginebra

Lalaro naman ang Ginebra sa magkasunod na LInggo kontra Meralco sa Hulyo 23 at kontra GlobalPort sa Hulyo 30.

Sisimulan ng Commissioner’s Cup champion San Miguel Beer ang kampanya sa three-peat sa Hulyo 29 laban sa Blackwater.

Kinuha nila si Wendell McKines bilang import.

Ang Commissioner’s Cup runner-up TNT Ka Tropa ay mapapalaban sa Kia Picanto sa July 28 sa Ynares Center sa Antipolo City.