Marian Rivera 4m copy copy

Ni Nora Calderon

KUNG may mga artista at celebrities na pumapatol sa bashers, pasasalamat naman ang ipinararating ni Marian Rivera sa kanyang Instagram followers na umaabot na 4 million at likes na 100K.

“We all have the power to use social media in the best and most proper way we can. This is how I choose to use mine — with pure positivity! Salamat sa aking Instagram community for always celebrating good vibes with me. Happy 4M.”

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Poised pa rin si Marian kahit bina-bash din naman siya ng ilan. Mas focused daw siya sa kanyang mag-amang Dingdong Dantes at Baby Letizia kaysa bashers.

Busy na rin siya sa taping The Good Teacher, ang bago niyang teleserye sa GMA-7. First time niyang makakasama ang tinaguriang Pantasya ng Asya na si Kim Domingo, sa direksiyon ni LA Madridejos.

Busy rin si Marian sa pagho-host ng OFW-documentary drama series na Tadhana na napapanood every Saturday, pagkatapos ng Ika-6 Na Utos. Pero marami ang nagri-request na gumanap si Marian sa isang episode na gagawin ng show.

Ito ang tiyak na aabangan ng mga sumusubaybay sa top-rating afternoon drama anthology, dahil pumayag si Marian at ang ni-request pa niyang magdidirek ng episode ay ang kanyang beloved hubby.

Bakit hindi rin si Dingdong ang gumanap na leading man ni Marian sa said episode, para siya na ang actor-director?