Ni: Light A. Nolasco

MARIA AURORA, Aurora - Kalaboso ang binagsakan ng isang dating barangay secretary makaraang maaresto ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Ma. Aurora Police sa loob ng bahay nito, noong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Senior Insp. Bayani Balbuena, hepe ng Ma. Aurora Police, naaresto si Alejandro San Juan, alyas “Bubbles”, “Andy”, 52, umano’y kilabot na tulak, at drug surrenderer na kabilang sa top 10 most wanted persons sa nasabing bayan.

Dakong 9:00 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang pulisya at nakuhanan umano si San Juan ng ilang pakete ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog