Ni: Mary Ann Santiago

Muling magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng walong sentimo kada kilowatt hour na dagdag-singil sa kuryente ngayong Hulyo.

Ayon sa Meralco, ang dagdag-singil ay bunga ng pagtaas ng generation charge.

Dahil sa nasabing power rate hike, ang mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour sa isang buwan ay magkakaroon ng dagdag na P16 sa kanilang bill ngayong Hulyo, P24 naman ang madadagdag sa bayarin ng mga kumokonsumo ng 300 kilowatt hour kada buwan, P32 sa nakakagamit ng 400 kilowatt hour, at P40 kung ang konsumo ay 500 kilowatt hour kada buwan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabatid na naibawas na sa naturang halaga ng dagdag singil ang P0.79 per kilowatt hour na refund sa mga consumer.