Ni: Mike U. Crismundo

CAMP RAFAEL C. RODRIGUEZ, Butuan City – Labingwalong pulis sa Caraga Region ang sinibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot umano sa ilegal na droga.

Anim pang pulis ang nasibak naman dahil sa pag-a-AWOL (absence without official leave) at kasong alarm and scandal.

Sa 24 pulis na nasibak simula noong Hulyo 1, 2016 hanggang Hulyo 4, 2017, dalawa sa kanila ang Senior Police Officer 4 (SPO4).

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Dalawang PO3 naman ang sumasailalim sa legal na proseso at imbestigasyon sa indiscriminate firing.

“Some of the dismissed police personnel tested positive in a random drug test carried out by the various police units in Caraga region,” sabi ni Supt. Martin M. Gamba, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-13.