Ni Edwin Rollon

P300M, ayuda ng PSC sa SEA Games delegation.

NAKATUON man ang programa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pagtuklas at pagpapalakas ng pundasyon sa grassroots level, patuloy ang pamahalaan sa paglaan ng suporta sa elite sports sa hangaring mapanatiling kompetitibo ang atletang Pinoy sa international competition tungo sa katuparan nang hinahangad ng sambayanan na unang ginto sa Olympics.

“Hindi kami tumitigil sa aming mandato. Although, klaro ang posisyon namin na magkaroon tayo ng tunay na grassroots program at ma-involved natin ang mas maraming kabataan sa sports, we’re not re-miss on our duty and responsibility for our National athletes,” pahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sa katunayan, sinabi ni Ramirez na prioridad din ng ahensiya na mabigyan ng maayos na quarters, canteen, training venue at medical center ang mahigit 1,000 atleta na kinakalinga ng PSC.

“Inaayos na natin ang training camp sa Philsports at sa Baguio. Kung wala na ring maging problema sa isyu ng bentahan sa Rizal Memorial Sports Complex, sisimulan na rin natin yan ayusin ngayong taon,” sambit ni Ramirez.

Iginiit ni Ramirez na umabot na sa mahigit P300 milyon ang nailaan ng pamahalaan para sa equipment at training expenses ng mga atleta na sasabak sa international competition, kabilang ang 23rd Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“Hindi kami nakialam sa pagpili ng mga atleta para sa SEA Games, gayunman, ibinigay namin ang suporta sa kanila,” aniya.

Para sa aktuwal na partisipasyon ng 700-man Philippine delegation sa SEA Games – tampok ang 499 atleta – naglaan ang PSC ng P86,777,500 para sa competition at parade uniform, allowances, plane ticket, at accommodation.

“As promised, we shall continue to back our national athletes,” pahayag ni Ramirez “Even if the PSC is now training its sights on grassroots sports, our elite athletes will always have our support. While we recognize that the POC and the NSAs take care of their training and preparation, the government through the PSC will always lend assistance to get them up to the level they need to be.”

Ngunit, siniguro ni Ramirez na maitatag ng administrasyon ang tunay na grassroots sports program.

Sa pakikipagpulong sa mga sport coordinators ng Philippine Sports Institute (PSI) kahapon sa Philsports multi-purpose center, hinimok ni Ramirez ang lahat na maging determinado sa kanilang tungkulin na aniya’y makatutulong sa paglikha ng mga determinadong batang atleta.

“The work is enormous I admit and I cannot do it alone, let us work together,” sambit ni Ramirez.

“Keep working towards our goal and to focus on the real gold - the children,” aniya.