Ni: Jun Ramirez at Mina Navarro

Hinarang at hindi pinayagang makatapak sa bansa ang isang Malaysian makaraang mabisto ng nakaalertong immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa paggamit ng pekeng pasaporte.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, inaresto si Paul Daniel Lim, 41, sa NAIA 3 terminal na bumiyahe mula sa Kota Kinabalu, lulan sa Cebu Pacific flight, nitong Sabado.

Hinarang si Lim sa paggamit ng pekeng travel document.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“His apprehension is a product of the extra vigilance that our immigration officers were told to exercise amid reports that some foreign jihadists have managed to slip into our country through our airports,” pahayag ni Morente.

Idinagdag niya na binilinan na ang immigration officers na mas maging mahigpit sa pagsasala sa mga biyaherong galing sa bansang sinasabing pinanggalingan ng jihadist, gaya ng Malaysia, Indonesia, at Middle East.

Ayon kay BI port operations division chief Marc Red Mariñas, naghinala ang immigration officer nang mapansin na hindi tugma ang mukha ni Lim sa larawang nasa pasaporte na ibinigay nito.

Ang pasaporte na ibinigay ni Lim ay nakapangalan kay Arry Bin Jong, 37, na ibang-iba at mas bata ang hitsura sa kanya.

Idinahilan ni Lim na napilitan siyang itago ang tunay niyang pagkakakilanlan dahil wanted siya sa Malaysia sa kasong estafa.