Ni: Lyka Manalo

TANAUAN CITY, Batangas - May mga bakas ng dugo sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ng isang hindi pa nakilalang lalaki sa ilalim ng tulay sa Tanauan City, Batangas.

Inilarawan ang biktimang nasa 30-35 anyos, may taas na limang talampakan, balingkinitan, at may dragon tattoo sa kaliwang hita.

Ayon sa report ni PO1 Leo Arnie Leycano, dakong 2:30 ng hapon nitong Lunes nang matagpuan ng grupo ng mga basurero ang bangkay sa tulay na sakop ng mga barangay ng Santol at Malaking Pulo.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Inaalam pa ng pulisya ang suspek na nagtapon sa biktima at ang motibo sa pamamaslang.