NI: Leandro Alborote

GERONA, Tarlac - Nakipagbarilan ang isang umano’y matinik na drug pusher matapos makahalatang pulis ang kanyang katransaksiyon sa Barangay San Antonio, Gerona, Tarlac, kahapon ng madaling araw.

Napatay sa shootout si Omar Ugadan, nasa hustong gulang, ng Barangay Tibag, Tarlac City.

Narekober umano sa kanya ang ginamit na .38 caliber revolver, P500 marked money, tatlong basyo ng bala, dalawang bala, at 13 plastic sachet na may hindi matiyak na gramong shabu.
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog