Ni: Light A. Nolasco

TALAVERA, Nueva Ecija - Nasawi ang isang lending collector makaraang makaladkad ng kotse ng pulis ang minamaneho niyang motorsiklo sa Nueva Ecija-Aurora Road sa Barangay Pinagpanaan, Talavera, Nueva Ecija, nitong Sabado ng gabi.

Sa ulat na nakalap sa tanggapan ni Supt. Joe Neil E. Rojo, OIC ng Talavera Police, nakilala ang nasawi na si Alejoe Dalagan Villorante, 27, ng Bgy. Mataas Na Kahoy, Gen. Natividad, Nueva Ecija.

Ayon sa police report, dakong 9:35 ng gabi at pauwi na ang biktima nang matabig at makaladkad ito ng kasalubong na kotse (TSJ-327) na minamaneho ng pulis na si Jeffrey Mengorio San Pedro, 32, nakatalaga sa Provincial Public Safety Company (PPSC) ng Nueva Ecija Police Provincial Office, at taga-Bgy. Inanama, Llanera.

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan