Ni: Marivic Awitan

NAITAKAS nina University of Negros Occidental-Recoletos bet Alexa Polidario at Erjane Magdato ang pahirapang 21-19, 21-17 panalo kontra sa mga Cebuana na sina Floremel Rodriguez at Therese Rae Ramas para masungkit ang titulo sa women’s class ng Beach Volleyball Republic On Tour nitong weekend sa Basdaku White Beach sa Moalboal, Cebu.

Sa kalakihan, nagkampeon naman ang Liloan Redline duo nina Jade Becaldo at Rommel Pepito para sa kanilang back-to-back titles makaraang pabagsakin ang National University tandem nina Bryan Bagunas at James Natividad, 26-24, 21-18.

Nag -uwi ang mga champion teams sa 7th leg ng torneo na P50,000 habang P25,000 naman para sa second placer.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakopo ng tambalan nina Charo Soriano at Bea Tan ng Team Perlas sa women’s division matapos manaig kontra kina Redline pair Jusabelle Brillo at Chona Gesulga, 21-17, 22-20, para maiuwi ang premyong P15,000.

Nagtapos namang third placer ang University of San Jose-Recoletos Team A’ nina Jay Verbosidad at Alastair Gairanud makaraang magwagi kontra kina Aizzat at Safwan ng Malaysia, 16-21, 21-16, 15-12.

Magtutuos ang pinakamahuhusay na beach volleyball player sa gaganaping BVR National Championship sa Hulyo 28-30 sa Anguib Beach sa Sta. Ana, Cagayan.