Ni: Lyka Manalo

BAUAN, Batangas - Patay ang driver ng isang kotse at pasahero niya habang sugatan naman ang isa pa matapos umanong sumalpok ang sinasakyan nila sa isang konkretong poste ng kuryente sa Bauan, Batangas, nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), namatay si Dexon Rey Silang, 20, driver ng Toyota Corolla (TJX-890); at pasahero niyang si Lee Jhon Lopez, 25 anyos.

Inoobserbahan pa sa Bauan Doctor's General Hospital ang isa pang pasahero ni Silang na si Ryan Talain, 26, empleyado sa munisipyo ng San Pascual.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Dakong 3:40 ng umaga at mabilis na binabagtas ng mga biktima ang kalsada ng Barangay Poblacion 1 patungong town proper nang sumalpok sila sa poste ng First Bay Power Corporation.