ni Marivic Awitan

3 n.h. -- Zark’s Burgers vs Wangs Basketball
5 n.h. -- Racal Motors vs Flying V
MALAKING hamon ngayon kay coach Eric Altamirano ang mapanatili ang Flying V na walang dungis sa 2017 PBA D-League Foundation Cup.
“I’m sure, all teams are now targeting our back,” sambit ni Altamirano.
Itataya ng Flying V ang malinis na karta (4-0) sa pakikipagtuos konta Racal Motors sa tampok na laro ngayon ganap na 5:00 ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Huling tinalo ng Flying V ang Marinerong Pilipino, 83-78.
“Our next games are going to be very tough, so it was important that we were able to meet the challenge. Our characters are showing na even though we have a big deficit, hindi nasisiraan ng loob ang players and we’re sticking together,” sambit ni Altamirano,.
Magkakasubukan naman ang Wangs Basketball (3-3) at Zark’s Burgers (1-5) ganap na 3:00 ng hapon.