Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Fil -Oil Flying V Center)

4 n.h. -- Creamline vs Adamson-Akari

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

6:30 n.g. -- Xentro Mall vs Air Force

TAGLAY ang bagong pangalan na Xentro Mall, sasabak ang dating koponang Perlas Lady Spikers kontra Air Force sa tampok na laro ngayong hapon sa pagbubukas ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Tatawagin na ngayong Lady Mall Spikers, ang koponan ay pamumunuan nina dating Ateneo stalwart Amy Ahomiro, mga UP standouts Kat Bersola at Nicole Tiamzon, Jem Ferrer, Sue Roces, Ella de Jesus at Mae Tajima.

Nakahanay din sa koponan ang magkapatid na Bea at Ateneo libero Gizelle Tan at sina Rysabelle Devanadera, Carmina Acevedo at Raprap Aguilar.

Magsisilbi namang bagong mentor ng koponan ang Thai coach na si Nai Muhammad matapos lumipat ng dating coach na si Jerry Yee sa league newcomer Hapee Toothpaste.

Mauuna rito, sasabak sa pambungad na laro ang Creamline na pinangungunahan ni dating Ateneo star at UAAP 3-time MVP Alyssa Valdez .

Tulad ng ibang koponan, pinalakas din ng Cool Smashers ang kanilang roster sa pagkakadagdag nina dating Ateneo setter Jia Morado at dating league MVP Mary Jean Balse.

Kakalabanin nila ang bagong koponang Adamson-Akari, ganap na 4:00 ng hapon bago ang sagupaang Xentro Mall at Air Force sa 6:30 ng gabi.

Samantala sa men's division, unang maghaharap ang baguhang.

Gamboa Coffee kontra defending champion Air Force ganap na 10:00 ng umaga na susundan ng laban ng Megabuilders at Army ganap na 1:00 ng hapon.