INAASAHAN ang malaking bilang ng mga lahok sa pagsulong ng Shell National Youth Active Chess Championships (SNYACC)-National Capital Region leg sa Hulyo 8-9 sa SM Mall of Asia’s Music Hall sa Pasay City.

Tampok sa torneo ang mga premyadong player at rising star mula sa iba’t ibang eskwelahan sa Metro Manila na makikipagtagisan ng isip sa iba’t ibang division ng prestihiyosong 9-round Swiss system tournament.

Ang mangungunang tatlong player at No. 1 female player sa bawat kategorya ang pagkakalooban ng slots para sa National Finals.

Patuloy ang pagtanggap ng lahok sa first-come, first-served na patakaran at limitado ang lahok sa 400. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay tournament coordinator Alex Dinoy (0922-8288510). Makukuha rin ang registration form sa www.shell.com.ph/shell_chess. Ang entry fee ay P100.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nakataya ang tropeo at cash sa mga event na kiddies (7 to 12), juniors (13 to 16) at seniors (17 to 20) para sa kalalakihan at kababaihan.

Nagsimula ang ika-25 season ng premyadong chess talent-search nitong Hunyo sa Batangas City kung saan tinanghal na kampeon sina Philippine Science High School’s Stephen Rome Pangilinan (juniors), Michael Concio Jr. ng Dasmariñas National High School-Cavite (kiddies) at Lyceum’s Jonathan Jota (seniors).

Umusad din sa National Finals na nakatakda sa Oct. 7-8 sa SM MOA sina runners-up Daniel Quizon (juniors), Mark Jay Bacojo (kiddies) at Romulo Curioso Jr. (seniors) at top female players Kylen Joy Mordido (juniors), Daren dela Cruz (kiddies) at Venice Vicente (seniors).

Nakatakda namana ng Cagayan de Oro leg sa Aug. 12-13 para sa Northern Mindanao qualifying sa SM City, habang ang fourth stage ay sa Davao City sa Sept. 2-3 para sa Southern Mindanao stage at ang Visayas qualifying ay sa Cebu City sa Sept. 16-17.