Ni: Francis T. Wakefield

Ipinahayag ng Philippine Army kahapon na magkakaroon sila ng free viewing sa laban ni Senator Manny Pacquaio sa Australian na si Jeff Horn sa Army gym at Army Officers Club sa Fort Bonifacio, Taguig City sa Linggo.

Ang laban nina Pacquiao at Horn, na gaganapin sa 50,000 seater na Brisbane Suncorp Stadium sa Linggo, ay ipalalabas nang live simula 10:00 ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. Ray Tiongson, Army Public Affairs Office chief, inaasahan nilang mananalo sa labang ito ang 38-anyos na Pinoy, ang pinakamahusay sa kanyang henerasyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Idinagdag ni Tiongson na mapatataas ng naturang laban ang moral ng mga sundalo lalo na ang mga nakikipaglaban sa Maute Group sa Marawi City, dahil iniaalay ng eight-division boxing champion ang laban na ito para sa kanila.

“We are solidly behind the boxing champ. He dedicated his fight for our heroes fighting the Maute–ISIS terrorists in Marawi. It will boost our soldiers morale,” sabi ni Tiongson. "Win or lose we will support Manny.”

Si Pacquiao ay reservist ng Philippine Army na may ranggong Lt. Col.