Ni: Liezle Basa Iñigo

URDANETA CITY, Pangasinan - Patay ang isang holdaper matapos ang engkuwentro sa isang entrapment operation sa Urdaneta City, Pangasinan.

Kinilala ni Supt. Neil Miro, hepe ng Urdaneta City Police, ang napatay na si Vergel Lutrania, 21, drug surrenderer, ng Zone 2, Barangay Nancamaliran East, Urdaneta City, Pangasinan.

Bago ang entrapment ay hinoldap umano ni Lutrania sina Mark Francis Hidalgo Bauzon, musician; at Carol Jovellanos Tan, 36, guro, ng Dagupan City, dakong 3:00 ng umaga ng Huwebes.
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog