Ni: Light A. Nolasco

BONGABON, Nueva Ecija - Dalawang hinihinalang lulong sa droga ang naaresto ng mga anti-illegal drugs operative ng Bongabon Police makaraang maaktuhang bumabatak ng shabu sa loob ng sementeryo sa Barangay Kaingin sa Bongabon, Nueva Ecija, nitong Miyerkules ng tanghali.

Ayon kay Chief Insp. George Calauad, Jr., OIC ng Bongabon Police, nakatanggap sila ng tip tungkol sa shabu session umano sa sementeryo hanggang sa naaresto sina Jay-Ar Zapanta y Caballong, 19; at Raymart Galamgam y de Leon, 20, magsasaka, kapwa residente ng Purok 7, Bgy. Kaingin.

Nasamsam umano mula kina Zapanta at Galamgam ang tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia naman sa sinasabing pinagdausan ng pot session.

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan