Ni: Leandro Alborote

CAMILING, Tarlac - Isang kalansay, na pinaniniwalaang isang magsasaka o nagseserbisyo sa barangay na sinalvage ng mga hindi kilalang salarin, ang natagpuan kahapon ng umaga sa bulubundukin ng Sitio Boa sa Barangay Birbira, Camiling, Tarlac.

Sinabi ni PO2 Jonathan Juanica na ang kalansay ay natagpuan nina Jerry Palasigue at Edwin Manglicmot, kapwa hunter ng bayawak, at kaagad na ini-report kay S/Sgt. Anthony Labayog ng 70th Infantry Brigade ng Philippine Army, na nagpaalam naman sa pulisya tungkol sa insidente.

Sinusuri na ang kalansay upang matukoy ang pagkakakilanlan nito at ang sanhi ng kamatayan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog