Ni: Light A. Nolasco

GAPAN CITY, Nueva Ecija - Isang barangay kagawad at dalawang iba pa ang huling nadagdag sa mahabang listahan ng mga naarestong drug pusher sa Gapan City, Nueva Ecija.

Ayon sa mga ulat ng tanggapan ni City Mayor Emerson “Emeng” Pascual, nakilala ang mga nadakip na si Armando Solomon Gaudario, 43, kagawad ng Barangay Sta. Cruz, at mga kabarangay niyang sina Edward Galozo Garcia, 24; at Jeff Ramirez Regis, 26, tubong Bacoor, Cavite, at pansamantalang nanunuluyan sa Bgy. Balaba, Dau, Pampanga.

Dakong 12:30 ng hatinggabi nitong Sabado nang maaresto ng Gapan City Police-Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 sa buy-bust operation sa District 4 ng Bgy. Sta. Cruz ang isa sa mga suspek at nakuhanan umano ng apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Umaabot naman sa 10 sachet ng shabu ang nakumpiska umano kay Regis sa buy-bust sa Bgy. Sto. Niño, habang isang sachet ng umano’y shabu at P500 marked money ang sinasabing nasamsam kay Garcia.