‘Eat Bulaga’ Dabarkads
‘Eat Bulaga’ Dabarkads

ni Nora Calderon

MAY gender reveal sa Facebook at Instagram account ng Eat Bulaga kung baby boy o baby girl ang isisilang ni Pauleen Luna sa unang anak nila ni Bossing Vic Sotto.

Nag-shoot sina Bossing at Pauleen ng video kung paano nila ini-reveal ang gender ng kanilang magiging baby. Pinahulaan pa nila ito sa Dabarkads at sa mga loyal viewers ng show.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Kayo, ano ang hula ninyo, baby boy or baby girl?

Samantala, bakasyon grande ang Dabarkads ng ilang araw sa Hong Kong simula ngayong Monday. Kaya last week, nag-taping na ng shows na ipalalabas simula ngayong Lunes hanggang sa Wednesday. Sina Alden Richards at Maine Mendoza, Paolo Ballesteros at Wally Bayola ay nag-live ng “Juan For All All For Juan” at pagkatapos ay lumipat sa ibang barangay para mag-tape ng episode ng nasabing segment.

Pangungunahan nina Bossing Vic, Tito Sen (na session break sa Senado), Joey de Leon ang bakasyon ng Dabarkads at staff ng “Eat Bulaga,” blow-out ni Mr. Tony Tuviera ng TAPE at APT Entertainment. Taunang ginagawa ito ni Mr. T para naman makapahinga ng ilang araw ang kanyang masisipag at loyal na hosts at production staff ng show.

May mga nauna nang umalis kahapon at ang iba ay ngayong umaga aalis.

Live na sila sa Thursday, June 29. Si Maine ay may Rejoice sa Puregold Concert Live sa June 29 at si Alden ay may Boardwalk event sa Friday, June 30.

Enjoy everyone!