LONDON (AP) — Kapwa naisalba nina Marin Cilic at Feliciano Lopez ang pahirapang laro para maisaayos ang championship match sa Queen's grass-court tournament nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Ginib ni Cilic, 2012 champion dito, si Gilles Muller, 6-3, 5-7, 6-4 sa unang semifinal duel.

Nakabawi naman si Lopez sa kabiguan kay Grigor Dimitrov noong 2014 final nang maitarak ang 7-5, 3-6, 6-2 panalo sa Bulgarian rival.

Hindi inaasahan na aabot sa dulo ang dalawa, ngunit ang maagang pagkasibak sa opening round nina seeded player Andy Murray, Stan Wawrinka at Milos Raonic ang nagbukas ng pintuna para sa iba.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

"I am so happy to be in the final, it's one of the most special tournaments for me. I have wanted to win this tournament so bad," sambit ng No. 32-ranked na si Lopez.