Ni Ernest Hernandez

Santos, dismayado sa inasal ni Pogoy na kapwa ni Tamaraw.

HINDI na iba para kay Arwin Santos ang rookie star na si Roger Pogoy. Magkaiba man ang koponan na kanilang pinaglalaruan, nananatili ang bigkis sa kanilang dalawa dahil sa isang kadahilanan: Kapwa sila produkto ng Far Eastern University.

Arwind Santos
Arwind Santos
Kung kaya’t labis ang hinanakit ng 6-foo-5 na si Santos nang masangkot siya sa kontrobersya dulot nang ‘unsportsman-like’ ng kanyang kapwa Tamaraws.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Imbis na maramdaman ko yung pain, galit na galit ako kung bakit ginawa niya sa akin iyun. FEU pa naman siya. ‘Yun lang kinakasama ng loob ko,” pahayag ni Santos sa post-game interview.

Tulad nang inaasahan, nakabawi ang San Miguel Beermen sa Talk ‘N Text Katropa matapos ang dominanteng 102-88 panalo sa Game 2 ng kanilang best-of-seven title showdown nitong Biyernes ng gabi para sa OPPO-PBA Commissioner’s Cup.

“Naka-shoot na kami tapos tumalon lang ako para harangin ang bola. Bigla na lang ako binigyan ng uppercut,” pagbabalik-gunita ng tinaguriang ‘Spiderman’ sa pro league.

Hindi inaasahan ni Santos na, magiging madahas ang aksiyon ni Pogoy, higit at hindi naman sila nagkakainitan bago naganap ang insidente.

Roger Pogoy
Roger Pogoy
Sa ginawang review ng referee, kumpirmadong sinadya ni Pogoy – bumida sa 104-102 panalo ng Katropa sa Game 1 sa naiskor na 27 puntos – dahilan upang mapatalsik ito sa laro sa kaagahan ng third period.

Hindi nagbigay ng pahayag si Pogoy na kaagad nilisan ang Araneta Coliseum. Wala pang pormal na pahayag ang PBA Commissioner’s Office hingil sa insidente, ngunit inaasahang pagmumultahin ang 6-foo-3 Gilas cadet member.

“Hindi ko na maalala kung ano pinagsasabi ko kasi ang init na ng ulo ko that time,” sambit ni Santos.

“Kung gusto niya ng ganun, di bali na sa mukha na lang niya ako suntukin,” aniya.

Bilang beteranong player, pinaalalahanan ng two-time MVP ang batang si Pogoy na maghunus-dile sa kanyang aksiyon at matutunang rumespeto sa kapwa player. Iginiit din niya na huwag na niyang uulitin ang aksiyon at tiyak na meron itong kalalagyan.

“Huwag niya ako subukan, kilala niya ako. Marami rin nakakakilala sa akin. Pagka-ganun, hindi ko siya a-atrasan.”

Ang 36-anyos na si Santos ay isa sa Tamaraw player sa kasaysayang ng FEU na iniretiro ang jersey number matapos ang kanyang careee sa collegiate level noong 2005. Bahagi naman si Pogoy sa koponan ng Tamarawas na nagkampeon sa UAAP noong 2015.