NI: Light A. Nolasco

SAN ANTONIO, Nueva Ecija - Patay ang isang retiradong koronel ng Philippine Army (PA) makaraan umanong manlaban sa mga pulis na magsisilbi ng search warrant laban sa kanya sa Barangay San Francisco sa San Antonio, Nueva Ecija, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, napatay si (ret.) Lt. Col. Edito Manigique Nisnisan, 62, ng Basangan Street, Bgy. San Francisco, makaraang magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos umanong manlaban sa mga pulis.

Batay sa pagsisiyasat, nabatid na dakong 8:15 ng umaga nang isilbi ang search warrant laban kay Nisnisan pero pinaputukan umano ng retiradong sundalo ang mga pulis gamit ang isang .38 caliber revolver na nauwi sa engkuwentro.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Napatay si Nisnisan, na nakuhanan pa ng isang MK2 fragmentation hand grenade, iba’t ibang bala at dalawang sachet ng hinihinalang shabu.