Ni: Marivic Awitan

BUNSOD nang pagkakapili ng apat sa kanilang mga riders para mapabilang sa koponan na papadyak sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia, nagbigay ng tulong at susuporta sa national cycling team ang pamunuan ng nag-iisang continental team ng bansa na 7-Eleven by Road Bike Philippines.

Dumalaw sa ginagamit na quarters ng mga national cyclists sa Amoranto Stadium sa Quezon City, nagbigay ang 7-Eleven Team founder at kasalukuyang Philcycling director na si Engineer Bong Sual ng recovery drinks para sa mga siklista bukod pa sa dagdag na daily food allowance.

Bukod sa mga dati ng mainstays ng national team na sina Mark John Lexer Galedo at Rustom Lim, ang dalawa pang 7-Eleven riders na nadagdag sa national squad ay sina Marcelo Felipe at Dominic Perez.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang apat ang bubuo sa national men’s road team kasama nina Go-for-Gold team riders Norberto Oconer Jr. , John Renee Mier at Jerry Aquino Jr. at Philippine Navy Standard Insurance cyclist Ronald Oranza.

Malugod ding ipinahiram ni Sual ang 7-Eleven headquarters para sa buong national team na nasa Tagaytay at Dagupan para magamit sa kanilang pagsasanay.

Maliban sa road team, kabilang din si Galedo sa sasabak sa team time trial kasama sina Oconer, Mier at Oranza.

Sasabak naman sina Felipe, Lim, Perez at Aquino sa Criterium gayundin sa massed start kasama sina Oconer at Oranza.