LAGAWE, Ifugao province – Tulad nang pangako ni Pangulong Duterte, walang maiiwan sa pagsulong ng kaunlaram – maging sa sports.

Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ifugao, inilunsad ng Philippine Sports Commission (PSC) ang 1st Ifugao Indigenous Sports Day sa Provincial Central Park dito.

asdjkhukhkasjdasd copy copy

May temang "Our Indigenous Sports, Our Heritage", may kabuuang 400 estudyante sa elementary at high school ang nakiisa sa programa at nakipagtagisan ng husay sa 13 traditional games kabilang ang Bangngunan, Bultung, Hanggul, Hinnukting, Ug-gub, Munbayu, Ab-abba, Akkad, Guyyudan, Kadang-kadang, Labba race, Batawel Relay, at Marathon relay.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pinangasiwaan ninaPSC Commissioners CeliaHicarte-Kiram at Charles Raymond A. Maxey ang pagtataguyod ng Tribal Games sa pakikipagtulungan ni Ifugao Gov. Pedro G. Mayam-o.

Ikinasiya naman ni Mayam-o ang pagpupunyagi ng pamahalaan sa natataging laro ng mga katutubo sa Ifugao at karatig lalawigan.

"We wanted to expose our traditional games to the world. We are thankful that the PSC made it possible," pahayag ni Mayam-o.

Iginiit naman ni Kiram, namamahala rin sa aspeto ng Gender and Development (GAD), na nakalinya rin ang pagsasagawa ng parehong programa sa iba pang lalawigan sa bansa.

"We can conduct these Ifugao traditional games regularly," sambit ni Kiram.

Hinikayat naman ni Maxey, nangangasiwa sa programa ng PSC sa Indigenous People, ang sambayanan na makiisa at suportahan ang pangangalaga sa tradisyon na tunay na yaman ng lahing Filipino.

"This is the preservation of heritage and cultures of the Indigenous Peoples," pahayag ni Maxey.