Fultz, pinili ng Sixers bilang No.1 sa NBA Drafting.

NEW YORK (AP) – Patuloy ang proseso para sa pagbuo ng matibay at pangkampeonatong koponan ang Philadelphia 76ers.

Tulad ng inaasahan, pinili ng Sixers bilang No.1 overall sa 2017 NBA Draft ang collegiate superstar na si Markelle Fultz nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Barclays Center.

Untitled-1 copy

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Naitala ni Fultz ang averaged 23.2 puntos sa Washington, bukod sa 5.9 assist at 5.7 rebound – ang tanging player sa Division I na may pinakamataas na statistics sa nakalipas na season.

Ito ang ikalawang pagkakataon na pumili ang Sixers sa No. 1 pick matapos pumayag sa trade sa Boston Celtics. Malakas na ayuda si Fultz sa batang lineup ng Philadelphia na binuo nina Rookie of the Year finalists Joel Embiid at Dario Saric, at Ben Simmons, ang top pick sa nakalipas na drafting.

Hindi rin sopresa ang pagpili ng Los Angeles Lakers kay Lonzo Ball bilang No.2 overall. Matapos ipamigay ang No.2 pick sa nakalipas na taon na si D’Angelo Russell sa Brooklyn, inaasahan na kukunin ng Lakers ang UCLA standout bilang kapalit.

Napili namang No.3 ng Celtics si Duke wingman Jayson Tatum, habang napili si Kansas forward Josh Jackson ng Phoenix Suns bilang No.4 pick sa first round.

Kinuha ng Sacramento Kings si De’Aaron Fox bilang fifth overall selection, habang No.6 si Jonathan Isaac para sa Orlando Magic.

Kinuha naman ng Minnesota Timberwolves si Lauri Markkanen bilang No.7, ngunit kaagad na ipinamigay sa Chicago Bulls bilang bahagi ng trade kay All-Star Jimmy Butler.

Ginamit naman ng New York Knicks ang karapatan sa No.8 pick para kunin si French guard Frank Ntilikina, habang pinili ng Dallas Mavericks bilang No. 9 si Dennis Smith Jr.

Sa isa pang trade, ipinamigay ng Sacramento Kings ang No.10 sa Portland Trailblazers bilang kapalit sa No.15 at 20. Kinuha ng Blazers si Gonzaga big man Zach Collins.

Kinuha naman ng Charlotte Hornets ang Kentucky high-scoring guard na si Malik Monk bilang No.11, habang pinili ng Detroit Pistons si shooting guard Luke Kennard bilang No.12.

Nagkasundo rin ang Utah Jazz at Denver Nuggets sa trade kung saan ibinigay ng Jazz si Trey Lyles at No.24 pick sa Nuggets kapalit ng No.13 selection para makuha si guard Donovan Mitchell.

Napunta sa Miami Heat si No.14 Bam Adebayo, habang ang Kings ay nagdesisyon kay Justin Jackson bilang No.15 na nakuha nila sa trade sa Blazers.

Kinuha naman ng Bulls si Creighton big man Justin Patton, kasangga ni Pinoy cager Kobe Paras sa Blue Jays, ngunit kaagad ding inilipat sa Timberwolves bilang bahagi sa trade na kinasangkutan ni Jimmy Butler.

Napunta sa Milwaukee si DJ Wilson bilang 18th overall selection, kasunod ang Indiana kay TJ Leaf, habang nakuha ng Atlanta si John Collins at napunta sa Sacramento si Harry Giles.