Ni: Mary Ann Santiago
Nakaalerto ang 2,400 miyembro ng Manila Police District (MPD) na magbabantay para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr sa Lunes, alinsunod sa kautusan ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na tiyakin ang seguridad sa lungsod.
“We don’t expect any major security threat in the city but to be sure, we will implement stringent security measures to maintain peace and order,” anang alkalde.
Ayon kay MPD Director P/Chief Supt. Joel Coronel, partikular na tututukan ang prayer rally sa Rizal Park na magsisimula sa Linggo ng gabi (Hunyo 25) hanggang sa Lunes ng umaga (Hunyo 26).
“We’re going to secure the prayer activity for our Muslim brothers who will be celebrating the end of Ramadan. We have assigned 2,400 policemen in this activity, to include area and perimeter security and traffic management,” ani Coronel.