Ni: Cover Media

NANGUNA sa U.K. charts ang Grenfell Tower charity single na inirekord sa London nitong Lunes.

Pinagsama-sama ni Simon Cowell ang mga bituin na kinabibilangan nina Robbie Williams, The Who, Rita Ora, at Louis Tomlinson para itanghal ang cover ng Bridge Over Troubled Water ng Simon & Garfunkel upang suportahan ang mga pamilya ng mga biktima at mga nakaligtas sa sunog.

Simon copy copy

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Bumenta ang awitin ng 170,000 kopya sa loob lamang ng 48 oras at nagtala ng pinakamalaking first day sales ang alinmang single na inilabas ngayong dekada, ayon sa Official Charts Company.

Itinatampok din sa awitin ang mga residente at mga nakaligtas sa tower block disaster.

Nakatira si Cowell sa London borough ng Grenfell Tower, at mabilis na nanawagan sa kanyang mga sikat na kaibigan na magkaisa at magrekord ng bersiyon ng klasikong awitin ng pamosong duo.

Inilabas ang awitin nitong Miyerkules, at kaagad na binati ng mga tagahanga si Simon sa pag-oorganisa na likhain ang track, na ang lahat ng kikitain ay mapupunta sa The London Community Foundation.

“Downloaded the beautifully done single Bridge over Troubled Water... gave me goosebumps well done to all involved @SimonCowell #GrenfellTower,” saad ng isang Twitter user.

Dagdag naman ng isa pa: “Driving to work, and ‘Bridge over troubled water’ Charity single comes on the radio... wow.

#bridgeovertroubledwater #GrenfellTower.”

Winakasan ng Artists for Grenfell hit ang pamamayagpag ng Despacito nina Luis Fonsi, Daddy Yankee at Justin Bieber, samantalang pumangatlo naman ang Wild Thoughts nina DJ Khaled, Rihanna at Bryson Tiller.

Kinumpleto ang bagonf top five ng awiting Strip That Down ng One Direction bandmate ni Tomilson na si Liam Payne, at Unforgettable ni French Montana, at umakyat naman ang Royal Blood sa tuktok ng U.K. album chart sa kanilang bagong release na How Did We Get So Dark?

Ang iba pang bagong entries sa top five ay ang Feed The Machine ng Nickelback at Melodrama ni Lorde.