Ni: Bert de Guzman

Mag-iisyu ng subpoena ang House Committee on Good Government and Public Accountability laban kay Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at ipaaaresto at ikukulong ang opisyal kapag hindi siya dumalo sa pagdinig tungkol sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga sasakyan na nagkakahalaga ng P66.5 milyon.

Ang ibinayad umano sa mga sasakyan ay ang bahagi ng tobacco excise tax ng lalawigan na walang ginanap na subasta.

Sa pagpapatuloy ng sesyon ng Kamara sa Hulyo 25, ipalalabas ang subpoena laban kay Marcos, ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimental, chairman ng komite.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Sa ginanap na hearing nitong Martes, sinabi ni Pimentel na maaaring danasin ni Marcos ang kapalaran ni Ronnie Dayan, dating driver-bodyguard ni Sen. Leila de Lima, kapag hindi ito dumalo sa pagdinig ng komite.

Pinatawan ng contempt ng House committee on justice si Dayan noong nakaraang taon at inisyuhan ng warrant of arrest nang hindi sumipot at tumestigo sa pagdinig.

“On that day (July 25), we will be issuing a subpoena already to Gov. Imee Marcos and if she (still) does not appear, we will be constrained to issue a warrant of arrest for her just like what happened to Ronnie Dayan,” ani Pimentel.

Ang pagdinig ay ginagawa ng komite batay sa House Resolution 882 ni Majority Leader Rodolfo Fariñas, na humihiling ng imbestigasyon tungkol sa paggamit ng pamahalaang panglalawigan ng Ilocos Norte ng shares mula sa buwis o excise taxes sa “locally manufactured Virginia-type cigarettes or the Special Support Fund under Republic Act 7171 for a purpose other than those provided for by the said law. The resolution stated that the highly irregular purchase of motor vehicles worth P66.5 million was done through cash advances without the benefit of public biddings.”

Nakakulong ngayon sa Kamara ang anim na opisyal ng Ilocos Norte dahil pinatawan ng contempt of court.