Ni: Bella Gamotea

Magiging makabuluhan ang pagpasok ng Hulyo sa pagsasagawa ng apat na araw na “shake drill” ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bilang paghahanda sa posibleng pagtama ng 7.2 magnitude na lindol o “The Big One” sa Metro Manila.

Sa Hulyo 14-17, sa ganap na 4:00 ng hapon, ay isasagawa ng MMDA ang “mock exercise” at bukas ito sa iba pang ahensiya.

Sa ilalim ng Oplan Metro Yakal Plus at ng MMDA’s disaster contingency plan, nakapaloob sa naturang pagsasanay ang implementasyon ng contingency measure na pangungunahan ng mga emergency personnel mula sa gobyerno at mga pribadong organisasyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, kinakailangang maging handa ang bawat sektor at komunidad sa pagtugon sa anumang uri ng trahedya.

Umapela si Lim sa publiko na huwag itong balewalain at maging makabuluhan ang paglahok ng lahat sa nasabing aktibidad.