NI: Beth Camia

Naniniwala ang Malacañang na walang dahilan para hingin ang tulong ng mga sundalong Amerikano sa combat operation.

Ito ang reaksiyon ng Palasyo sa panawagan ng ilang senador ng United States na palawakin na ang partisipasyon ng kanilang puwersa sa digmaan sa Marawi City.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na sapat na ang puwersa ng gobyerno na nakapigil naman sa mas malawak pa sanang paghahasik ng gulo ng Maute Group. Sapat na rin ang technical assistance na ipinagkakaloob ng US forces at mas maiging hanggang doon na lang muna ang maging papel nila sa digmaan.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?