Ni: Antonio L. Colina IV

Back-to-back ang panalo ng Malagos Chocolate na nasungkit ang dalawang bronze para sa sweetened dark chocolate bars nito sa 2017 Academy of Chocolate sa London, ang parehong kompetisyon na ang chocolate maker ang natatanging kumpanya sa Asia na nagwagi ng silver para sa 100% unsweetened dark chocolate sa ilalim ng drinking category noong Hunyo 5.

Ang limang taon nang kumpanya ng tsokolate ay pag-aari ng pamilya Puentespina sa Calinan District, Davao City.

Inilabas ang resulta ng kompetisyon kahapon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kahati ng Malagos Chocolate’s 62% dark chocolates at 72% darks chocolates sa bronze awards ang walo pang premium chocolate brands mula sa pitong mga bansa, ang tatlo ay nagmula sa Southeast Asia – Pilipinas, Vietnam at Indonesia.