NI: Lyka Manalo

LIAN, Batangas - Patay ang isang barangay tanod matapos pagbabarilin habang naglalakad pauwi sa Lian, Batangas.

Kaagad na nasawi si Danet Dale Suarez, 35, tanod ng Barangay Matabungkay sa naturang bayan.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 6:30 ng gabi nitong Lunes at naglalakad ang biktima nang pagbabarilin ng suspek na sakay sa itim na SUV.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Batay sa record ng pulisya, kabilang si Suarez sa high value target ng pulisya na una nang sumuko sa Oplan Tokhang.