Ni: Jimi Escala
KINUMPIRMA na ng mga taong malalapit kay Pokwang na buntis ang komedyana, pero hanggang ngayon ay wala pang anumang statement ang mismong may katawan tungkol sa nabanggit na balita.
Ang live-in partner ni Pokwang na si Lee O’ Brien ang ama ng ipinabubuntis niya.
Inulan naman ng well-wishers si Pokwang sa kanyang Instagram account.
Ang ipinost lang ni Pokwang sa kanyang IG wall ay isang video ng isang batang musmos na sumasayaw at tuwang-tuwa naman si Awra sa kapapanood ng nasabing video.
Pinutakti si Pokwang ng mga komento na halos lahat ay supportive sa kanyang pagbubuntis.
Tiyak na mas dadami pa ang magagandang mensahe na matatanggap ni Pokwang na siyempre dapat maging maingat ngayon lalo na at nagkaroon na siya ng miscarriage sa dapat sana ay unang baby nila ni Lee.
Sey ng kausap naming malapit kay Pokang, hindi raw malayong tuparin ni Pokwang ang sinabi noon na kapag nagdalantao uli siya ay mapagpahinga muna siya sa showbiz.