SASABAK ang tatlong koponan mula sa Pilipinas bilang kinatawan ng Asia Pacific sa Softball World Series matapos pagbidahan ang kani-kanilang division sa katatapos na 2017 Little League Asia Pacific Zone Softball Championship sa Singapore.

Ginapi ng Negros Occidental- ECTSI ang Singapore, 14-0, sa little league, habang binokya ng Domingo Lacson National High School-Negros ang India, 10-0, sa senior league.

Nakamit naman ng Tanauan, Batangas ang junior plum nang dominahin ang Singapore, 16-0.

Sasabak ang Pinoy sa mga regional champion sa gaganaping Little League World Series sa Portland, Junior League World Series sa Kirkland, Washington, at Senior League World Series sa Delaware.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Bago ang kampeonato, dinurog ng ECTSI little leaguers ang Indonesia (33-0 at 10-0), at Singapore (10-0) para sa four-game sweep, habang dinaig ng Domingo Lacson senior leaguers ang Indonesia (29-0), Singapore (17-0), India (11-0), at Guam (23-4 and 17-1).

Ginapi naman ng Tanauan ang Singapore, 14-1, China, 21-3, at Indonesia, 33-0, sa junior league.