Ni: Liezle Basa Iñigo

Patay sa engkuwentro ang isang drug surrenderer nang magkaroon ng buy-bust operation sa Barangay Labinab Grande sa Reina Mercedes, Isabela.

Sa report kahapon mula kay Supt. Manuel Bringas, deputy provincial director for operations, nakilala ang napatay na si Joel Manuel, ng Bgy. Upi sa Gamu, Isabela.

Nagsagawa ang Reina Mercedes Police ng buy-bust operation sa nabanggit na lugar dakong 10:40 ng gabi nitong Linggo, ngunit tinangka umano ni Manuel na patayin ang raiding team.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Napilitang gumanti ng putok ang mga pulis at napatay si Manuel.