Ni: PNA

WALANG posibilidad na makararanas ang bansa ng tagtuyot o El Niño sa kasalukuyan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geographical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Kaakibat nito, ayon kay Analiza Solis, officer-in-charge ng Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA, natukoy sa ilang pandaigdigang climate model na maaaring tumama sa bansa ang El Niño sa katapusan ng taon.

“Eighteen of 25 models we also studied say ENSO (El Niño-Southern Oscillation)-neutral conditions will likely prevail until 2017’s end, however,” saad ni Solis sa kanyang talumpati sa nakaraang taunang selebrasyon ng Typhoon and Flood Awareness Week ng PAGASA.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ayon sa National Oceanic and Atmospheric Administration, inilarawan ng ENSO ang pabagu-bagong temperatura ng dagat at ng atmosphere sa east-central equatorial Pacific.

Ang El Niño at ang La Niña phenomenon ang mainit at malamig na bahagi ng ENSO cycle.

Tinatawag na ENSO-neutral ang panahon kapag parehong hindi umiiral ang El Niño at La Niña.

“ENSO-neutral is present in Tropical Pacific and favored to continue through the September-November 2017 season,” dagdag pa ni Solis.

Ayon sa kawanihan, pinakamatindi sa lahat ng naitala ang 2015-2016 El Niño na magdudulot ng malawakang tagtuyot sa buong bansa dahil sa kakaunting porsiyento ng pag-ulan.

Mula sa datos ng website ng Department of Agriculture at Food and Agriculture Organization (FAO), naiulat na $325 million ang kabuuang halaga ng pinsala ng El Niño mula sa pagkalugi sa produksiyon ng ani sa buong bansa, na nakaapekto sa 413,456 pamilya.

Gayunman, ang pinakabagong modelo ng klima ay nagpapahiwatig ng pagkakataon para sa pag-ulit ng La Niña ngayong taon.

“There’s a higher chance for either El Niño or ENSO-neutral conditions than for La Niña this year,” ani Solis at iniulat na mararanasang muli ang La Niña sa susunod na taon.