Ni: Fer Taboy

Dalawang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), kabilang ang medical officer ng grupo, ang napatay ng militar at pulisya sa pagsalakay sa Maguindanao, iniulat kahapon.

Ayon sa report ng Maguindanao Police Provincial Office (MPPO), kinilala ang mga napatay na sina Raul Angkay, medical officer ng BIFF; at Edz Angkay Dalending, kapwa taga-Barangay Labu-Labu, Shariff Aguak, Maguindanao.

Sinabi ni Capt. Arvin Encinas, tagapagsalita ng 6th Infantry (Kampilan) Division ng Philippine Army, na nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng militar, MPPO, at Criminal Investigation and Detection Group-Autonomous Region in Muslim Mindanao (CIDG-ARMM) laban sa mga suspek sa kuta ng BIFF sa Bgy. Labu-Labu, Shariff Aguak.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa halip na sumuko ay nanlaban ang mga suspek sa raiding team kaya nagkaputukan at nasawi ang mga ito.

Nabawi mula sa mga suspek ang isang .45 caliber pistol, granada, anim na cell phone, at mga bala.

Ang pagdakip sa mga suspek ay alinsunod sa direktiba ng Department of National Defense (DND), sa kasong rebelyon.